21.6.09

Father's Day

Kakatawag ko lang sa tatay ko. Dialysis na naman bukas. Heart attack siya last week. As usual umutang na naman ako sa SRESLA. Di ko na nga iniisip ang gastos basta ok lang sya....sila...pati mga kapatid ko. Ang papel ko yata sa mundo e ganito na lang. Pero di naman ako nagrereklamo kaya lang kung magkaminsan ang daling isipin na pagud ka na...pagud na sa pagpunta sa ospital...pagud sa pakikipag usap sa mga ahente ng M Lhuilier...nakakapagod. Kailan kaya ulit ito matatapos? Hindi naman gagaling ang tatay ko. Bahala na...ganun naman ang buhay ko...walang plano...walang direksyon.