pas, tudey en da pyutur
7 taon na kong nagtatrabaho pero hanggang ngayon pakiramdam ko ala akong natipid na sandamakmak na salapi. Siguro hindi ako marunong magtipid o pwede rin naman sandamakmak din ang pinagkakagastusan ko habang lumalaki ang sweldo ko. O pwede rin namang andame kong utang na nibabayaran. Nagbalik tanaw (ala Abner Mercado) ako at sinubukan kong alalahanin ang mga bagay bagay na naging dahilan ng aking hindi pagiging milyonaryo ngayong ang aking edad ay unti unting dumidikit na sa hayop na mga huling numero sa kalendaryo. Kapag tinitingnan ko ang bigay sa aking kalendaryo ni Beng Choo, ang Intsik kong kapitbahay ay nari realize ko na ayoko na sa Pebrari dahil last day nun e edad ko na...mas gusto ko ngayon ang mga ber months para me 3 years pang nalalabi kahit papano. Simula ng mawala ang Nanay, naging pasan ko na ang mundo ni Batman. Egzayting pero nakakapagod rin. Milyonaryo na nga sana ako kung ala akong pinagkagastusan na mga responsibilidad.
- Ang tuition fee ng Nene namen - tumataginting na 60K kada semestre plus siguro mga 10K sa libro. Opo mahal po ang libro sa mga hinayupak na nursing schools. 24K ang baon. Apartment 7.5 K. Sa kalkulasyon ng aking maliit na utak jinjinir e. close to 900 thousand pesos na 'to sa apat na taong pag-aaral ni utol.
- Sa bahay, 1,200 kada buwan na bayad sa Meralco. 14.4 T kada taon, sa 7 taon e 100 T nato
- Sa mga gamot ni Pader, mga 1T per week.
- Bayad sa oto. 6T per month.
- Bayad sa utang sa Coop - Mga 10T kada buwan.
Pero hindi naman ako nagsisisi mga kapatid dahil ito naman ay para suportahan taka ti PAMILI. Pero ang hindi ko matanggap, kailan ba matatapos to wahhhhhhh....(biro lang). Balik tayo sa aking pagbabalik tanaw. May natatanaw naman akong kahit malinggit na liwanag sa dako paroon.
Si Nene namen gagraduate na sa March YAHUUU....hindi na din ako ang nagbabayad ng Meralco dahil minsan na laang sumasayad ang paa ko sa bahay YAHUUU ulet. 2 taon nalang bayad nako sa oto ko. Sa coop makabayad na ko sa October ng isang utang.
Pro ang masama neto kailangan pating tipidin ang mga benchingko dahil mudami pakong dapat paglustayan ng tsalape. Madaming gamot ang dapat kong kalusin.
Masarap magbalik tanaw, pero mas maganda kung ang ngayun at ang pyutur mo ang tututukan mo. Cge magbibilang pa ko ng babayaran. Pautang!
No comments:
Post a Comment