batangueño
mayron akong dalwang bagong katotong taga-Malaysia na narito ngayon sa pinas kaya naman nag-iipon ako ng mga salitang nais kong maibahagi para sa kanilang unti-unting pagkatuto sa ating wika.
akalain mong mayron palang mga ganitong dalitang ngayon ko ga laang napakinggan e e. sisinsay - hindi po ito gulay, kinsay po iyon. ang ibig sabihin neto ay papasyal o dadaan. for egsampel..."pasinsay dadaan ang gwapong si utoy" titimo - tatahimik daw ang meaning neto. malamang hindi ko gamitin ang salitang ito dahil napakabastos ehe siphayo - amoy o halimuyak naman ang salitang ito. egsampel - "kaibigan, masiphayo ang iyong inalabas na hangin, pwede bagang lumayo layo ka sa akin?" benga - bakit ga? iyan ang ibig ituran ng mga katagang iyan. gamitin natin sa isang pangungusap. "benga, are you drugs?" iyan muna at maghahagilap akong muli ng mga bagong salita. hahayo na ako't magpapakarami.
1 comment:
wehehe...pagkakagaling ng batang are...marami pa yan...eg. "Ay si Utoy gaor ke gaor di namahuta huta"...sige nga ano meaning nyan??? =D
Post a Comment