timo
may mga taong kahit anong gawin mo ay mayrong makikitang mali sayo. bakit ka ganito, bakit ka ganyan...mahirap maubos maisip kumbakit may mga taong sadyang ipinanganak ng ganito. dala na din siguro ng kanilang mga aninong aayaw mapansin ng iba o di kaya'y mapag usapan ng karamihan.
napagtanto ko...hindi kaya ito ang mga dahilan ng kanilang mga pagpupula (pula i.e. puna, "meddle", pakialam) 1. "pula ka ng pula e ni pulak wala ka" - matagal ng sumasagi sa isip ko ang bagay na to. bagamat ipinanganak akong salat, hindi ako tinuruang mamuna ng kapwa. ngunit saking pagtanda lalo na ng mapasok ako dito, naiba ang persepsyon ko sa buhay. maraming taong nais na ikaw ay malaglag, mapahamak, MAPAGTAWANAN, MAPUNA NG MARAMI SA IYONG KAHINAAN, MAPAG -USAPAN, at higit sa lahat MAGING TAMPULAN NG TUKSO. habang naglalaro sa utak ko ang mga bagay bagay na pilit kong iwinawaksi, nahulog ako sa patibong ng kanilang mundo. nanghamak, nagtawa, nangmata...nakihalubilo sa mga usapang kakatwa at may baluktot na pagtingin sa kapwa. Ito marahil ang kanilang dahilan upang hindi sa kanila maibaling ang PAGPULA...upang sila ang mag BIDA...maging SUPERYOR...maging AMO. hanggang sa magising akong muli sa daang minsan ko nang tinahak. ngayon, katulad ng matagal ko ng pagharap sa buhay - tatlo ang maari kong gawin - maging tapat at ipamukha sa mamumula na kung maaring tingnan ang kanyang sarili sa bago mamula, manibugho, makipagtunggali at sabihin ang nais sabihin, o manahimik na lamang at ibahagi sa KANYA ang sitwasyon. marahil sa KANYA ko na rin lamang ipapabahala ang aking desisyon. 2. "hindi tumitingin sa salamin" - pwede naman tayong manalamin araw araw kaya nga lang merong mga taong mas gustong punahin ang iba kaysa sa sarili. tsk tsk tsk...siguro ayaw niyang mapahiya ang sarili niya sa kanyan sarili. nakakaawa at nakakatawang isipin na ikaw mismo ang pupula sa iyong sarili. sa isang banda, mas magaling na rin ang punahin ang sarli kaysa ang iyong kapwa. 3. "mahangin lamang talaga" - hindi na ito dapat pang ipaliwanag. wise is the person who knows what to say and when to say it....... there are some silent people whose praises should be sung; they preach a mighty sermon by guarding well their tongue...... not what we have, but what we use, not what we see, but what we choose - these are the things that mar or bless the sum of human happiness....
No comments:
Post a Comment