6.1.08

hafi and jay

twing linggo nakaugalian ko ng magsimba. hindi dahil sa nanduon ako para lang umupo, lumuhod at tumayo kundi obligasyon para sa akin ang makinig kay Father. Naks, ginintuan ang puso.

ngayong araw na to dali dali akong tumungo sa king HP1740 compaq pc upang mailahad ang mga anekdowts sa misa ngayon.

nga pala, naisama ko laang si besfren jay sa title ng blog na ito dahil nalalapit na ang kanyang pagpapasakal sa kanyang hanibeybs ngunit ala naman sya talagang kaugnayan sa blog na to. walang pakielaman gusto ko lang syang isali.

neniweys, bago palang magumpisa ang misa ay may umaatikabong anawnsment na. "koling da atensyon of mader ng nawawalang bebe. Sya po ay alone and dangerous. ayaw magpahawak at ngumangawa. nakadilaw na t-shirt po ang batang lalaki at sya po ay nakapantalon. ang sapatos po nya ay pink". WOW! at kolor fink pa ang sapatos ha. mukhang tong si utoy ay may hinaharap na bukas na fabulous. ahahay...

during the mass, hindi ko maubos mapansin ang knight and shining 4 by 4 inch wide na twinkling bumbunan ni manong na nasa harap ko. talo pa ang araw sa kislap ng kanyang makinis na tuktok. buti nalang at sanay akong mag-reyban habang nagsisimba. o wala ngang pakielaman e. e sa gusto kong magsanglas habang nagsesermon si Father.

maganda naman ang sermon ngayong araw. ang buod? ANG KAGANAPAN NG BUHAY AY NAKASALALAY SA KAUGNAYAN SA DIYOS". Tama nga naman. Sa personal kong pananaw, hindi magiging ganap ang iyong sangkatauhan kung wala sa Hesus sa sentro ng iyong buhay. Bagamat payak ang nakagisnan kong kapaligiran, walang pag-iimbot ko itong tinanggap ng buong puso sa tulong na din ng paggagabay ng Diyos. Dahil sa pangaral na ito, na-inspire na naman akong pasalamatan ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ko, masama man, mahirap o yung masasaya. Hayyyy...

Sa kalagitnaan ng misa, napansin kong mahirap din palang intindihin ang mga salitang BatangueƱong pinakawalan ni Father. Sige nga testingin natin ang galing nyo. Eto ang mga salita.

lilibay-libay (para saken ibig sabihin neto ay "pa absent absent. laging wala sa skul. at nuknukan ng tamad")

kahungkagan (tingin ko ay "kakisigan" di ba yun yung hunks.)

at panghuli palanggaman (i think this is the small batya in the haus)

Tama nga kaya ang mga hula ko.

Natapos ang misa ng mga alas onse na ng tanghali. Kaya naman dali dali akong umuwi sa bahay dahil may mga naglilinis sa min at dahil wala pako, maaaring hindi sila makaalis at malamang di padin kumakain. Buti nalang at pro-aktib naman sila. may initiative ika nga. saglit lang ang aking pagka joyous nang malaman ko ang karimarimarim na nangyari. mantakin mong sila pala ay umorder sa canteen at chinarge sa akin. mabuti nalang at nagsimba ako, kung hindi naisumpa ko siguro ang mga mokong.

2 comments:

Abad said...

Hindi ko din naintindihan yung mga tagalog ni father.

hindi ko din maintindihan kung bakit may mga naka-sunglass kahit malayo naman sila sa sikat ng araw.

U.T.O.Y said...

dear abad,

diba sabi ko alang pakielaman.
buweno, dahil malamig ang ulo ko ngayon, e sasagutin kita sa mga nilalaman ng utak mo ngayon.

nagsasunglass siguro ang mga taon kahit alang araw dahil
1: gusto nila sila naman ang sikat hindi lang ang araw
2: gusto nila magsunglass pakielam ba naten?
3: me sore eyes, dokleng o may kulite

nagmamahal,
utoy (nagsusulat habang nakasunglass)