7.1.08

sangbukas na liham para kay LOY

Hey Loy, (after sending the direction to carmel church lipa....)

sana magkita tayo. simula mamayang gabi isasama na kita sa prayers ko.

wag ka magalala GOD is good. He always perseveres. Maniwala ka lang for HE is always there. Lam mo ako dinadaan ko sa blog, misan may konting drama, minsan may kiliti, minsan umiiyak nga ako habang nagsusulat dahil pasasaan bat sarili lang naman natin talaga ang makakatulong sa atin para mapalapit sa KANYA. Naging hingahan ko na din kasi ang blog.

hanggang ngayon malaki ang pasasalamat ko kay Father Suarez dahil kahit na lagi na lang sa TV ko sya napapanuod ay alam kong gingabayan ako ng presensya ng DIYOS para maabot ko sya. Wag ka magalala LOY isa din ako sa maraming tao na patuloy pa ding gumagawa ng mga kasalanan kahit na marami ng pagsubok ang naibigay sa akin ng DIYOS. Basta tandaan lang natin lagi na magpasalamat tayo sa KANYA kahit na ang nangyayari sa tin ay masakit, nakakalungkot o hindi inaasahan.

wag kang mapagod para sa KANYA.

ako? nagbago na ang pananaw ko simula nuon. dati i lose my temper agad agad. ngayon halimbawa umuulan at nakaputi akong pantalon o naka leather na shoes, sinasabi ko lang na "ok lang dahil hindi naman laging ganito ang panahon". natutunan ko, na ang dagok ng buhay ay hindi naman laging nanduon.

masaya na din ako sa buhay. kahit na napakadaming temptasyon o pagsubok upanag magkamali, di ako sumuko, di ako sumusuko, at di kailanman susuko.

ingat ka Loy,

GEL

No comments: