4.1.08

halubilo

napagtanto kong kailangan ko ring makidyaming sa mga pangyayari na umuulagwa sa mundo ng mga blagerz. kaya iniaaalay ko ang sulat na ito kay http://kwentongbarbero.com/para sa Project Lafftrip Laffapalooza. Ito ang aking mga natataeng este natatanging komikeros at komikeras ng taong lumipas.

Una na sa aking listahan si kuya batjay, talaga namang mamumura mo ang sarili mo kapag nailapat mo na ang iyong nguso sa blog nya. Isa itong kakaibang panlasa ng buhay expat Pinoy.

Si Green Pinoy ang pumapangalawa dahil sa mga hirit nyang pamatay. Kung meron mang tao na dapat ilagak sa mental ako na mismo ang magdadala sa kanya sa mandaluyong.

Si Billycoi naman ang maglalagay sa impyerno kay Jobert Sucaldito. Halos lahat na yata ng kanyang nailathala ay may halong katatawanan at kaugnayan kay Mr o Ms o Mr slash Ms Jobert Sucaldito. Siya naman ang aking ikatlong napili.

Ihahalo ko na din si rhapsody. Kung meron mang babaing bading e siya na yata ang ultimeyt wan. hahalakhak ka sa kanyang mga banat hanggang sa matanggal ang garter ng panty mo.

At sa huli, isisingit ko pa din ang isa sa mga paborito kong blog - ang chona mae in the city. Chona mae you rocks. C'mon let join us. miss na miss na kita, paramdam ka naman.

4 comments:

Abad said...

Sinali ko din si Chona sa vote ko. Tsk, i hope she is come back soon.

U.T.O.Y said...

dear abad,

anu nga ba ang apelyido mo santos baga o ista?

anut anupaman, miss ko nga itong si chona mae. mantakin mong pati sa king wet dreams ay sya ang nilalaman.

chona mae, missing you. wish yours happy new year except me. also here. thank you.

Abad said...

Hindi yata nabilang 'tong boto mo. ininform mo ba si badoodles?

U.T.O.Y said...

ininform ko naman kaya lang di yata kasama sa mga nailista nya. oks lang. singit lang naman ang batang to,,,