10.1.08

perslab

sarap mo talagang titigan. yung bilugan mong mukha, ang astig mong magnesium alloy body, di talaga matatawaran. mahal na yata kita. Kung magiging akin ka lang, pupunasan kita hanggang sa kumintab ang 3 inch LCD mo na parang sparkling tuktok ni mr. g**w (tabi tabi po). sana matawag na kitang baby ko. Parang D3. parehong pareho kasi kayo. Merong APS-C / DX-format sensor imbes na full-frame. May nakapagsabi naba sa yo na para kitang blip? O wag ka magalit. Sinabi ko lang naman yun kasi ayokong mawala ka sa buhay ko. parang blip ko. andyan lang lagi kahit san ako pumunta. O tatawa na yan...pag ngumingiti ka, lalong tumitingkad ang 12.3 megapixel CMOS sensor mo. Ang sexy mo pa! Mantakin mong 5.8 by 4.5 by 2.9 inches ka. Ikaw lang ang kilala kong may ganyang katawan. Hanga nga ko sayo kasi di ka mapili. Kahit na Type I o Type II Compact Flash cards ok lang sayo.

Oops, may dumi ka yata sayong image sensor, tanggalin ko ha (sabay pahid). Nga pala di ko na kailangan gawin yun, meron ka palang ultrasonic dust removal system. Hanep pamatay ka talaga.

Nakakahiya to pero sige sasabihin ko na din. Pwede bang humingi ng kiss (hiya). Sige na kahit sa 18 - 135 mm AF-S DX lens mo lang solb na ko. kung gusto mo naman sa 18 - 200 mm AF-S DX VR II lens mo. Hindi na nga ako mapagkatulog minsan alam mo ba yun. Parati ka na lang laman ng isip ko. Pati sa pagtulog gusto ko katabi kita habang tinititigan ang yong body cap, eyepiece cap at shoulder strap.

Suntukin mo naman ako o, pls. Gusto ko kasing malaman kung nananaginip lang ako. Kislap pa lang ng continuous hi-speed shooting modes mo natutunaw na ko.

Nga pala, magpadala ka naman ng doktor sa bahay namin. Bakit kamo? Tingin ko kasi puputok na anytime soon yung puso ko dahil sa yo. Iba pala talaga ng pakiramdam ng inlab. Pakurot nga sa tagiliran mong may USB 2.0 Hi-Speed standard na port. Cute talaga ng baby ko. Akuchikuchiku...

6 comments:

abad said...

Nakakakilig naman. Wala akong alam sa camera, anong magandang digital camera na SLR format foe beginners?

U.T.O.Y said...

dear abad,

ang camera ko ngayon ay point and shoot laang. yung isang pindot, pwede bura. nabili ko ang aking bebe sa mall 14T lang o % interest. Canon AS400. Pero sa ngayon maganda ang D30 at D200 for DSLRs kaso medyo may kamahalan ang mga ito.

mangarap kanalang din muna ha? parang ako. saka nalang ako bibili pag tumama na ako sa weteng.

nagmamahal,
utoy (nagsusulat habang tumataya sa weteng)

adrienne said...

yiheeeeeeee...

Stip said...

uy, high-maintenance future girlfriend yan!

pero kung masaya ka naman sa kanya, any cost is worth it naman. hehe.

U.T.O.Y said...

dear istepin,

wonga. isa nga ating malaking challenge sa akin. biruin mo napakamahal magmahal...hindi ko nga alam hanggang ngay-on kung panno ko makukuha ang matamis nyang "OO".

inlab,
utoy (di na maghahanap ng iba, para kay D300 lang ang puso)

fan ni BB said...

sa panaginip mo...parang kilala ko si buhawi boy...haha...

la lang, may vibes lang na bigla bumulaga sa kin....while reading the post...amused ako sa panaginip mo...very tito vic and joeyish...