16.1.08

panaginip

nanaginip ako kagabi. marahil dulot na rin ng panibughong nagmula sa isang lugar na malapit sa akin. kakaiba ang mga karakter sa panaginip ko. biruin mo naging si ULTIMEYT UTOY ako.

dumating daw ang dayong si marshmallow kid sa bayan namin. ang hindi alam ng marami, bukod sa mahilig syang lumamon e madalas ding mag alburuto ang tyan neto dahil na din sa katakawan lalo na sa lomi at pancit with dinuguan. Pero ang nakapagtataka, dito rin pala nanggagaling ang powers nya to the exponent 5 - ang spurting jebs. isang sirit lang nito ay tumba ang mga nakakalaban nya sa bayan namin. sa tindi ba naman ng amoy nito na minsan e parang burong mustasa, sino ba naman ang di mapapasuko sa powers na to. isa pang kagimbal gimbal nyang paputok ay ang kanyang mala jabar na alingasaw. isang taas lang ng kilikili nyang maitim, ala pang isang minuto, dedbol na ang makakaharap nya. pero dahil kilala ako sa pagiging pasensyoso at may di matatawarang kaguwapuhan, natalo ko ang pagmamayabang ni marshmallow kid sa ming bayan. PAANO? simple lang. tinadtad ko lang naman ng tamtaks ang katawan nya sa pamamagitan ng aking super electro magnetic tamtaks. ayun numipis ang mokong at nawalan ng malay. puro hangin pala tong si marshmallow kid, inside and out. aba natatandaan ko pang tila nawala ako sa ulirat ng akalain mo ba namang magpakilala sa akin na "hey are you super utoy?" no wonder you're a friend of boy buhawi, you look foolish. but is that your sister, she looks good though". looks good pala ha. etong sayo. bukod sa tamtaks e pinaulanan ko din sya ng aking smashing cocks. ang cocks na walastik kung dumikit. isang raketa lang ang ginamit ko tepok na si marshmallow kid sa mga pinaulan kong thousand feathered cocks. akala ko ay ayos na ang buto buto nang bigla na lang dumating ang tres ineng kapa-kapas, ang tatlong kaibigang paminta ni marshmallow kid. si ineng bokal, si ineng bochok at si ineng lawit. si ineng bokal ay skinhead, may tatoo ng marshmallow sa dibdib at singliit ni wengweng. si ineng bochok naman ay may salamin na 9,000 ata ang grado, mahilig sa botox kaya naman lumobo na din syang parang si marshmallow kid at si ineng lawit, ang pinakamalakas sa mga inengs. isa syang batang nakatangga at patagong lumalabas sa gabi upang mambiktima ng mga walang kamalay malay na kalalakihan sa plasa kabangaw. tanda ko pa ang kuwento ni boy buhawi na muntik na syang makorner neto at makuha ang buo nyang lakas, ahahay...sa pagdating ng mga tres ineng kapa-kapas, kinabahan ako ng kaunti. ngunit ng nakita kong lapirutin nila si marshmallow kid dahil sa isa rin pala nila tong kapanalig ay binigla ko sila at pinaghahagisan ng aking utoy boiled eggs with talong...ang most powerful ultrasonic wave ng bulok na itlog ng ostrich combined with binurong talong. ang akala ng mga inengs at ni marshmallow kid ay kung anong talong ito kaya naman nag una unahan sila sa pagsalo. ngunit sa sabay sabay nilang pagsalo dito ay sabay sabay din itong mga nagsabugan. dead on the spot ang mga hayok sa laman.

nasagip ko na naman ang bayan ng kabangaw. nasaan na kaya ang kaibigan kong si boy buhawi. malamang naghahanap na naman to ng mga nanay, biyuda, diborsyada, bading, you name it he's got it. e kung si marshmallow manay e sa pagkain ang powers, itong tropa kong si boy buhawi sa pagpapatibok ng puso lumalakas at....

bigla na lamang akong nagising. alas 9 na pala. wala na ang alburuto ko at nagbalik na din sa normal ang tema ng buhay ko.

No comments: