26.1.08

tulala

matagal-tagal na din akong di nakakagala sa makati simula ng masira si San Chai, ang seksi kong oto. parang napunta ko tuloy sa pluto ng ibaba ako ng taxi sa tapat ng titirhan kong otel ng apat na araw.

1) meron na palang greenbelt 5? akalain mo bang umabot na pala sa lima at hindi man lamang ako nasabihan. naalala ko tuloy ang minalas ko ng unang pasok ko sa UST. Isang linggo akong nag sa sign of the cross sa harap ng isang buiding kasi may krus sa tuktok neto, yun pala e main building nila (hiya). kaya pala pag dumadaan ako at nagaantanda e unahan sa pagtawa ang mga ulangyang guwardiya.

2) nadiskober ko na meron palang ruta mula SM hanggang ayala ng hindi ka dadaan sa kalsada. hanep no. sige eto ang mga lilikuan mo. pasok sa SM, punta ka sa walkway ng glorietta, pasok sa landmark, pasok sa bridgeway papunta greenbelt 5 tapos ang labas mo na e paseo de roxas. medyo papawisan nga lang ang kilikili mo kaya siguraduhing me pampunas ka dito bago pumasok sa opis mo. buti nalang naging boy scout ako. meron lagi akong "good morning" na labakara.

3) nawala na din ang mga pinupuntahan ko sa glorietta na mga tindahan. pumupunta ako dito kahit hindi naman bibili. malas talaga. napabili na lang tuloy ko ng blip sa isang tindahan. aba 95 isa, sayang naman. menos ng lampas kalahati sa presyo. syempre sinukat ko muna. baka kasi masikip, masu supokeyt si utoy. sa pitong sinukat ko apat lang ang pumasa. pero isa lang ang binili ko. buti nalang hindi napansin ng mga miss na tindera ang pagpasok ko sa fitting room.

madami pa kong nakitang mga bago. nandiyan ang oakwood na ascott na pala ngay-on. ang simbahan sa gitna ng ayala park na nasa gitana ng greenbelt 1 2 3 4 at 5. sa susunod baka hindi mo na to makita kaya bumisita ka na ngayon din.

kailangan kong maging pamilyar uli sa lugar na to. malamang dito ako mapadpad ng anim hanggang labingwalong buwan. tagal nun. nu kaya pwedeng gawin sa makati?

3 comments:

stip said...

1) sarado ang Glorietta2 simula nung bombing. nakita mo na ba kung sa'n nila nilagay yung mga shops na andun dati (pati yung Toby's Sports Arena)?

2) kung papansinin mo yung playground sa activity area nung Glorietta, bago na yung mga obstacles.

3) alam mo bang may Carlos Pizza sa mall of asia?

4) napansin mo rin ba yung bagong Anson's appliance center sa tapat ng Landmark?

Anonymous said...

1) oo, may GB5 na pero madami pang saradong shops. bukas na rin ang parang tunnel na tumatagos from GB5 to GB2. may parking spaces na rin sa ilalim ng GB5.

2) tulad ng sabi ni tsip, giniba na yung Anson's na nasa along Pasay Road, may bago na silang building na katabi ng Landmark. pag pumasok ka, parang Avant Abenson ng GB.

3) sa GB3 naman, wala na yung soul food, MYLK at Hue, pinalitan na ito ng Banana Leaf, Thousand Cranes Shabu-Shabu at isang steakhouse na nakalimutan ko na ang pangalan.

4) May UCC Park Cafe na sa park sa gitna ng Shangri-La at Glorietta, kung inde mo pa napapansin.

5) Kung mahilig ka sa Spa, lumipat na sila sa harap ng GB1, yung lumang sinehan.

6) Kung sawa ka na sa GB at Gloriets, punta ka sa Fort. dun ka tumambay sa Serendra at Bonifacio High Street. dalhin mo na rin mga pets mo kasi pet-friendly sya. :-)

whew. yun lang.

U.T.O.Y said...

dear istepin at dyosa,

abay pagkarame na palang nagbago sa makati. biruin mong hindi man lamang tayo nabigyan ng konting "shout out you know" ni mayor binay.

nga pala kailan kaya matatapos ang Glorietta. Miss ko na kasing magpark sa Park Square. sana naman ay ala ng mga paputok na galing sa kanal ang sumabog. napakabaho kasi neto.

nalilito pa din,
UTOY