tulala
matagal-tagal na din akong di nakakagala sa makati simula ng masira si San Chai, ang seksi kong oto. parang napunta ko tuloy sa pluto ng ibaba ako ng taxi sa tapat ng titirhan kong otel ng apat na araw.
1) meron na palang greenbelt 5? akalain mo bang umabot na pala sa lima at hindi man lamang ako nasabihan. naalala ko tuloy ang minalas ko ng unang pasok ko sa UST. Isang linggo akong nag sa sign of the cross sa harap ng isang buiding kasi may krus sa tuktok neto, yun pala e main building nila (hiya). kaya pala pag dumadaan ako at nagaantanda e unahan sa pagtawa ang mga ulangyang guwardiya. 2) nadiskober ko na meron palang ruta mula SM hanggang ayala ng hindi ka dadaan sa kalsada. hanep no. sige eto ang mga lilikuan mo. pasok sa SM, punta ka sa walkway ng glorietta, pasok sa landmark, pasok sa bridgeway papunta greenbelt 5 tapos ang labas mo na e paseo de roxas. medyo papawisan nga lang ang kilikili mo kaya siguraduhing me pampunas ka dito bago pumasok sa opis mo. buti nalang naging boy scout ako. meron lagi akong "good morning" na labakara. 3) nawala na din ang mga pinupuntahan ko sa glorietta na mga tindahan. pumupunta ako dito kahit hindi naman bibili. malas talaga. napabili na lang tuloy ko ng blip sa isang tindahan. aba 95 isa, sayang naman. menos ng lampas kalahati sa presyo. syempre sinukat ko muna. baka kasi masikip, masu supokeyt si utoy. sa pitong sinukat ko apat lang ang pumasa. pero isa lang ang binili ko. buti nalang hindi napansin ng mga miss na tindera ang pagpasok ko sa fitting room. madami pa kong nakitang mga bago. nandiyan ang oakwood na ascott na pala ngay-on. ang simbahan sa gitna ng ayala park na nasa gitana ng greenbelt 1 2 3 4 at 5. sa susunod baka hindi mo na to makita kaya bumisita ka na ngayon din. kailangan kong maging pamilyar uli sa lugar na to. malamang dito ako mapadpad ng anim hanggang labingwalong buwan. tagal nun. nu kaya pwedeng gawin sa makati?